Page 28 of Not My Type, Not Yet.
Before it's too late
I let the waves crash onto my feet. I let the wind embrace me as its presence soothes the ache in my heart. A small smile tugged at the corners of my lips, I bent down and picked up the seashell that was washed up from the shore.
Pretty.
"Aust! Let's go! Pupunta na tayong park," Sloane shouted kaya napatingin ako sa direksyon nya. Park pero may dalang salbabida. She's wearing my jacket and khaki shorts naka-akbay din sya sa babaeng nakasuot ng floral dress.
Tinapon ko ang shell sa dagat bago maglakad papalapit sakanila.
"Akala ko magiging mermaid kana, you've been staring at the ocean for almost half an hour already. Missing your home?" She smirked at me nang makalapit na ako.
"Shut the fuck, Sloane. I'm enjoying my last few days here," saad ko at nilagpasan sila, but she caught my arms and pull me back.
"Nga pala she's Hannah, my girlfriend," she introduced to the girl beside her. I glanced at her and her cheeks changed color. Short hair, petit, just her type.
"Hello." I politely greeted her. She bit her lips and pinasadahan ng tingin ang basa kong katawan.
"H-Hi, ang gwapo mo pala sa personal," she shyly utters. Napatingin ako kay Sloane na nakatingin din sa jowa nya.
I smirk at hindi nalang sya pinansin.
"Sir, towel po," inaabot saakin ng staff ang towel. I smiled at tinanggap yun.
"Salamat po." I said, she nodded and returned to her work.
Some of the employees here are Filipino. Paps wanted his staff to be Filipino dahil sumasakit daw minsan ang utak nya kakaenglish tas minsan hindi nya daw maintindihan kong ano ang sinasabi ng mga taga rito.
"Does he have a girlfriend?" the last thing I heard from those two dahil pumasok na ako.
Aakyat na sana ako ng humabol sa akin si Sloane at inakbayan ako. "Akin nalang yung phone mo, naka off lang naman yun sa bedside mo tas bumili ka rin ng bago." She nudged me.
"Iniwan mo lang don?" I asked.
Matunog syang ngumisi. "We broke up already."
Napailing nalang ako. "Should I say sorry?" tinaasan ko sya ng kilay na syang ikinatawa nya.
"Nah, bro. I should be the one saying Thank you. I don't want someone na basta-basta nalang akong iiwan pag nakahanap ng mas better sakin," she uttered whole heartedly. My forehead creases. Buang.
"What's your deal really? I somehow don't get you. You introduced your girlfriend to me and when they show a bit of interest in me nakikipag break ka kaagad."
She grinned, "I was testing them if they're loyal or not, that's all. Nothing less, nothing more." She shrugged her shoulders.
Bumuntong hininga ako at kinuha ang braso nya sa balikat ko. "Hindi kaba natatakot?"
"For what?"
I looked at her for a couple of seconds before sighing in defeat. "Wala, j-just be careful."
She rolled her eyes at malakas akong hinampas sa balikat. "Ang oa par, akin nalang phone mo nawala ko yung akin eh."
Napangisi ako. "Akin na lang yung PS5 mo swap tayo."
She tsked at tinulak ako kaya napatawa ako. "Taangina naman, wag na lang. Sayo na lang yang cellphone mo." And she walked away.
Pinagmasdan ko lang ang likod nya habang naiiling-iling. I sigh at umakyat sa kwarto ko.
Isang linggo na akong nandito sa Costa Rica at isang linggo ko nang hindi nabubuksan ang cellphone ko. I bought a new phone para may magamit ako dito. I fear that if I turn on my phone at pag nakita ko ang pangalan nya magiging martyr ako.
It's been quite a while since I last heard from him. I wasn't sure if he was doing great or not... or if he was looking for me. Not that he cares but still.
"Apo?"
Napahinto ako ng may kumalabit saakin. I looked past my shoulder and saw that it was my grandpa. Hinarap ko sya at ngumiti.
"Paps, kamusta?" I asked at inakbayan sya. He smirked and flexed his arms.
"Malakas ata kapit ko sa panginoon, hindi ko pa daw araw. Feel ko gabi ako kukunin," he cackles kaya napatawa ako. Him and his jokes.
Despite being nearly 70 years old, he's still as strong as ever and as hyper as ever.
"Sana ma-inform ako head on para ka alarm ako if ever," balik ko na syang ikinahalakhak nya.
Kakadischarge nya palang nong nakaraan tas ang una nyang ginawa ay inaya akong mag scuba diving. He liked it risky, motto nya kasi sa buhay "You only live once, might as well experience all the good things before dying."
Pagkasama mo sya, it's an endless adventure for you.
"It's good na nandito ka. Nagsasawa na ako sa mukha ni Sloane. Lagi nalang broken," he tsked and bobbed his head.
I grin. "Hayaan mo nayang tomboy na yan," biro ko. Nangingisi nya akong binalingan.
"Pag talaga nalaman ko na naging baliko mga apo ko, jusko isa-isa ko kayong itatapon sa labas," he said. Napatigil ako. Napakagat ako sa labi ko and let out an awkward smile.
"Does it bother you? Masama ba maging iba?
Masama bang magmahal ng kapwa mo lalaki?
" I asked. Makahulogan nya akong minata ng ilang segundo kaya halos kabahan ako.
I averted my eyes, cuz if I looked a little longer into his eyes baka may malaman syang hindi sya dapat malaman.
It was a total silence not until matunog syang ngumiti.
He ruffled my hair and chuckled softly. "Apo, it's a testament to your courage. Being gay, bi or even transgender isn't a bad thing. Sadyang may ibang tao lang talaga na sarado ang isip sa mga bagay-bagay. I won't be mad if you tell me that you liked a boy. It takes courage, you know.
...Loving yourself in a world that tries to make you feel like you shouldn't is powerful. Your difference doesn't make you any less of a human..." he smiled gently, his voice soft—a quiet warmth in his eyes. Napakagat ako sa labi ko at tinignan sya sa mata.
"...It makes you beautifully, unapologetically unique, Apo."
Expressing yourself takes courage. Loving yourself takes guts. Knowing yourself means embracing your flaws. How beautiful could it be.
Tinapik nya ang balikat ko. "Gym muna ako apo, baka maka score ako mamaya sa lola mo," he winked at me kaya napangiwi ako.
"Ew..." reaksyon ko na syang ikinatawa nya.
"Malay lang natin!" pahabol nya na syang mas lalong ikinaasim ng mukha.
"You're literally 70 years old."
"Shut up! Single kalang eh!" halakhak nya at tumakbo papalayo.
Napatampal nalang ako sa noo ko. He makes that kind of joke every time he gets just to make us feel awkward.
We spent our last day here in Costa Rica going to places and eating all sorts of foods na hindi ko kayang ipronounce yung alam ko lang is yung Gallo pinto, it's rice and beans basically.
Nasa Rescate Wildlife Rescue Center kami ngayon.
Memere wanted to visit this Zoo kaya pinuntahan agad naming apat kinaumagahan.
Bumuntong hininga ako, somehow, letting myself run away is the best decision I've ever made.
Maging kalmado ako these past few days. Pero sa hindi ko malamang dahilan pakiramdam ko may kulang. I can smile but I feel like it wasn't genuine enough. Parang there's a hollow pit inside of me. A void I'm afraid to acknowledge.
While strolling where the lion cage was, Sloane grabbed my shirt and pulled me aside.
"Anong problema mo?" I asked her. She just looked at me dead in the eyes and let out a sharp breath.
"Rafael called me just a minute ago, he's asking when are you coming home," she started. She bit her lips and continued. "I said you'll be coming home tomorrow and he said that you should check your phone."
I rolled my eyes and fixed my shirt. "No need."
She looked at me frustrated. "Sure kana ba talaga?" she asked conflictedly. I squinted, scanning her from head to toe.
"Do you know something? Does Rafael tell you anything?" I accused. Her eyes widened.
"W-wala naman," she stammered, the suspense in my chest only grow. Tanginang Rafael. "Punta tayo don sa may amm...manok. Last day mo na natin dito kaya sulitin na natin to." And yep there she goes, she bolted.
But manok?
Hindi ko nalang sya pinansin at nagpatuloy sa pag tingin-tingin. Halos ilang oras din kaming nandito dahil ayaw magpaawat ni Memere kaka picture. Nang mapagod napagpasyahan na naming umuwi. It was fun and all pero ang sakit na nang paa ko.
"Let's go to the bar," Sloane whispered. I smirked at her and agreed.
"Baka mahuli tayo, hintayin muna nating makatulog sil-"
"HOY! Anong hintayin ha!"
Napatalon kami sa gulat nang may sumigaw malapit sa tenga namin. Napahawak si Sloane sakanyang dibdib at mahinang hinampas sa balikat si Memere.
"Memere naman! tangina I almost peed my pants!" singhal nito habang hawak-hawak pa rin ang dibdib.
Tinaasan lang sya ng kilay ni Memere and crossed her hands around her chest. "Walang lalabas. Maaga ang flight natin bukas," she said firmly.
We both disagree in unison.
"Aw men." Said Sloane.
Napapalatak si Memere. "Pasok." She commanded kaya wala kaming magawa kundi ang pumasok nalang.
Sloane complains but she can do nothing to our grandmother. Wala kasi ang iba kaya hindi kami makaalma. If the whole Sevilliana cousins are together, Memere is no match from us.
"Impake nalang tayo, inang yan pakiramdam ko ang bilis lang natin dito. Pag pikit ko nasa Costa Rica ako tas pag mulat ko nasa Pilipinas nanaman ako. May makikita nanaman akong mga maasim. Balik nalang akong Canada, bat ba ako sasama sainyo." Si Sloane.
Hinayaan ko nalang syang dumada. Ganyan talaga yan pag hindi pinayagan sa gusto nya. Actually, thankful ako dahil narinig kami ni Memere. Wala ako sa mood makipag interact sa ibang tao.
I packed my things that night, a heavy feeling starting to creep in my chest again. Like it had been there but I wasn't paying attention at ngayon lang nagparamdam.
Napadpad ang mata ko sa bedside table ko kong na saan naroon ang cellphone ko. It had been sitting there for too long. Tumayo ako at naglakad papuntang bedside. I grabbed my phone, pinagmasdan ko ito ng ilang segundo before I dragged my thumb to its power button.
I bit my lips. I lowered my head at tinapon sa maleta ang cellphone. Ayaw ko. Ayaw ko pa.
"Mag-ingat ka dito tanga ka pa naman," sermon ni Memere kay Paps.
He insisted na maiwan nalang sya dito para asikasuhin ang resort. Inakbayan nya si Memere at hinalikan ang tuktok ng kanyang ulo.
"Iloveyoutoo."
Memere pursed her lips and nudged him. Napangiti nalang kami.
"Oa."
Napailing nalang ako at nauna nang maglakad papasok sa kotse. I enter the car and put on my headphones. I opened my spotify and played a random song.
"You're the perfect melody,
The only harmony I wanna hear
You're my favorite part of me"
"Ay puta."
Agad kong tinanggal ang headphone ko. Wala akong balak maging sad boy ngayon tangina. Iniskip ko nalang ang song at binalik ang headphone ko.
I glanced outside the window and saw my grandparents were still fighting. Napailing nalang ako habang nangingiti.
"Men, ang corny nila," rinig kong saad ni Sloane ng pumasok sya sa sasakyan.
"Inggit ka?" I smirked at her. Her eyes landed on me, matunog syang ngumisi.
"Asa, mas bata ako sakanila bat naman ako maiinggit." She reclined her body but her eyes lingered outside the window. A broad smile plastered on her face.
I softly rested my back. Sa pamilya namin, sina Memere at Paps lang ang may healthy relationship. I feel like nasa kanila lahat ng biyaya kaya minamalas kami.
We watched as they kissed and embraced each other goodbyes.
"Ayosin mo buhay mo Austine," Paps pointed at me.
"Got it." I saluted.
He nodded. "Good. Mag-ingat kayo."
We all nodded. Nang makapasok na si Memere agad kaming humayo papuntang airport dahil baka mahuli kami sa flight namin.
7 am pa lang naman and 10 am pa ang flight namin.
As the engine roared. Hindi ko mapigilang matahin ang maleta ko sa likod kong nasaan nandon ang cellphone ko. Bumuntong hininga ako at hinayaan nalang na kumalma ang sarili.
I shouldn't overthink things. It's useless.
There's this gnawing feeling that's been squeezing my chest for almost a week ever since I decided to turn off my phone. The uncomfortable feeling continued when we boarded the plane. It keeps me awake, it makes me anxious. My hand trembles each time my heart beats. It was the worst.
The hours that followed felt like torture, I was relentless until our plane landed.
I don't know what to do. I just keep my head down as we walked. I don't know what I'm expecting but I don't wanna face whatever it is.
"Oh, umuulan?" boses ni Sloane.
Napatingala ako sa langit. The once cleared sky turned ashen with dark clouds hiding the burning sun with its heavy dark coated veil that turned the world beneath the sky cloudy.
I held out my hand nang unti-unti nang pumatak ang ulan sa lupa.
I smiled, knowing well that these raindrops are my tears.
Nahihirapan akong umiyak, ayaw kong umiyak.
I don't want to wallow in my agony. I've been neglecting it until the soft cloud inside my head became heavier and heavier as I continue to deny that I'm not ok.
"Umuulan na pero nandyan pa rin sya. Sino ba ang inaantay ng batang yan. Halos araw-araw nandyan lang sya sa labas," napantig ang tenga ko sa sinabi ng body guard ng makadaan ako sakanila.
"Lapitan mo nga, kahapon pa sya dyan hindi pa umaalis. Kawawa naman."
I ignored them and made my way out to the airport. Nakasunod sakin ang dalawa, bitbit ko ang dalawang maleta habang na kay Sloane ang bags. Disney princess si Memere.
"I think mas lalakas pa tong ulan, we better hurr—nice what a jinx." Hindi na natapos ni Memere ang kanyang sasabihin when the heavy rains fall.
I closed my eyes when the harsh wind welcomed me. I breathe in the air para kahit papaano mabawasan ang bigat na nasa dibdib ko.
"Should we call Tito Harry?" I said referring to my grandma's driver.
She nodded and fished out her phone. "I forgot to make a call, I'm sorry." Tumango nalang kami.
She dialed Tito Harry's phone, it took a few rings before he answered his phone.
"Harry, can you pick us up here at the airport?...what? huh? Hold on hindi kita marinig." Bumaling sya saamin at tinuro ang cellphone nya.
We nodded kaya pumasok syang muli sa airport.
"I remembered the myth that I heard from someone..." napabaling ang tingin ko kay Sloane.
Her eyes flickered as she watched each rain drop to the floor.
"...she said that kaya umuulan dahil may isang god daw na umiiyak. He lost his wife and he did all means to find her and when he failed, he just sit at his throne and cried. The rain is his tears, the wind is his longing for his wife." She chuckled and rubbed her arms. "Malungkot ata sya ngayon."
I grinned. "Can't believe na naniniwala kapa sa mga ganyan."
"Myth nga diba! myth! sapakin kita eh." Inambahan nya ako ng suntok, pero bago pa man tumama ang kamao nya sa balikat ko isang sigaw ang pumukaw sa atensyon namin.
"Iho! pumasok ka muna dito! jusko ang lakas ng ulan oh!"
Sloane gasped. My heart hammered in my chest. Dahan-dahan kong lumingon following her line of vision.
Through the blurry veil of the rain. I saw someone standing from a distance. Drenched. Pale. Like a ghost carved out of the past I fought to bury.
I tried to swallow the lump in my throat, my breath hitched. His eyes, though far away locked on mine. He tilted his head to see me. His eyes melancholy and unblinkingly search my face.
Unti-unti nyang binaybay ang distansyang namamagitan sa amin. I took a step backward ready to run away but Sloane, held my back and shook his head.
"Talk." She mouthed.
I begged her with my eyes but she just shook her head again.
I told myself I'd never look back.
I told myself I'd moved on.
But in that one look, all the lies I clung to dissolved.
"S-Sloane please..."
She smiled softly and caressed my back.
"It's ok, it's ok." She hushed.
She eyed me and nodded before leaving me here. His stares burned my skin.
"B-bat ngayon kalang?" his voice broke.
He took a step closer to me. When our eyes meet, he smiled softly. Napakagat ako sa labi ko ng makitang ang lalim na ng mga mata nya. Pagod, sakit, pangungulila, pag hihirap. His once composed self was now gone.
"Anong ginagawa mo dito?" I said through gritted teeth.
Sensing my anger he took a step back.
"H-hinihintay kita. Wala akong kakayanang sundan ka sa Costa Rica k-kaya naghihintay ako araw-araw dito. N-nagbabasakaling makita ka pagdating mo..." he uttered in a low, painful voice. He lowered his head. "Ang tanga ko...napaka tanga ko."
I balled my fist. "Umalis kana. Tangina. Ayaw kitang makita." Madiing bangit ko sa bawat salita.
He persistently shook his head. "Please let me explain everything. A-ayaw ko ng ganito pagod na ako, baby. Please pakinggan mo ako..." he pleaded. Balak nyang kunin ang kamay ko but I retreated. Pain, crossed his face.
"Pagod?!!" I let out a bitter laugh. "Tangina, sino ang pinatawa mo? Kong may pagod man saating dalawa, AKO yun!" I emphasized the word 'ako.'
He approached me but I step backwards. Napakagat sya sa labi nya at nagmamakaawa akong tinignan.
"K-kahit wag mo na akong patawarin, just hear me out please. Baby, please..." his voice quivered. Unti-unting pumatak ang luha nya.
The ache in my chest swelled louder than the rain hammering the rooftops. It was relentless. Raw. Thunderous.
"I don't wanna hear another nonsense from you, Knox. Umalis kana. I don't need your fucking explanation. I don't need you. I fucking hate you for making me feel like this." Galit kong saad at pahagya syany tinalikuran.
Akmang hahakbang na sana ako papalayo when his cold and trembling hand caught my wrist. My eyes widen when he hugged my waist, kneeling.
"P-parang awa mo na. Pakinggan mo ako. H-hindi ko kaya..." napakagat ako sa labi ko ng marinig ko syang humikbi.
I swallowed the lump in my throat and looked away. "U-umuwi kana, don't make things harder for the both of us."
He shook his head once again. "P-please talk to me..." basag na basag ang boses nya kaya unti-unti nang namumuo ang luha sa mata ko.
"After all this time ngayon pa talaga? Wala kang ibang ginawa kundi pagtulakan ako papalayo saying you hated me.
Pinamukha mo saakin na si Zyran lang ang pwedeng pumasok sa puso mo habang nagmamakaawa akong tignan mo ako, pagkatapos non you made me believe n-na unti-unti ko nang naakyat ang pader mo.
Only for you to push me away again...g-ganon ba ako insignificant sayo?
" I questioned him through a breaking voice.
Nanahimik sya kaya mas lalo akong napatawa ng pagak. Putangina.
"Sya pa rin pala talaga?" nanghihina kong sambit. Pagak akong napangiti at hinayaang kumawala ang luhang kanina ko pa pinipiligan.
"After everything we've done, sya pa rin pala ang nasa isip mo? ang hirap mo namang intindihin...napaka hirap. You restore the painting for what reason? Dahil nagguilty ka? o dahil trip mo lang paglaruan ako? you knew damn well how to ruin me again and again. Ang gago mo, napaka gago mo."
Umiling sya habang yakap-yakap pa rin ang beywang ko.
"Austine, saksi ang...l-langit kong gaano kahirap saakin sa tuwing tinutulak kita papalayo. Nasasaktan kita pero mas nasasaktan ako dahil ako ang dahilan ng mga luha mo...hindi mo alam kong gaano kabigat saakin sa tuwing nakikita kong umiiyak ka dahil saakin."
Nanghihina syang tumayo at naluluha akong hinarap. He smiled weakly, he wanted to reach me but he retreated his hand.
"You're not climbing any walls, Austine, because there wasn't even a wall to begin with.
You're like swimming in an ocean, filled with relentless waves of anxiety and self doubt.
Nakakatawa, the fact that I'm anchored in the middle of it all silently praying na sana matagpuan mo ako and bring me back to the shore.
.. it was ironic. " He lowered his head, voice ragged and hurt.
I bit my lips, I wanted to look away but his tears made it impossible for me to avert my gaze.
"...pero deep down I knew I had nothing to offer.
No lifeboat, no life jacket, no map, not even a steady hand to hold you.
Kaya, I did the only thing I knew that's best for you: I stretch my ocean, I made the tides stronger, the currents colder, the wind harsher-deliberately pushing you farther and farther away from me.
Dahil alam kong you deserve someone else.
..at hindi ako yun...takot ako...natakot ako. " Hikbi nya.
I felt the ache bloom all over again, like a wound that never really healed opened up again.
"I am not worth risking for?" I whispered, voice cracking as my heart already did.
Agad syang umiling at hinawakan ang kamay ko. He brought my hands to his forehead.
"I would risk my whole life to have you, Austine. S-sadyang natakot ako, takot na takot ako..."
Nanggagalaita ko syang tinulak papalayo saakin. I clenched my fist, I stopped myself from punching him.
"Takot? putangina! please, umalis kana Knox. Ayaw na kitang makita."
Hearing my words nanlaki ang kanyang mata at dali-daling hinablot ang kamay ko. His cold hand sent shivers down my spine. I tried to yank it off but he held it firmly, animoy takot na mawala ako once he let go of my head.
"No...no, no, no please...hayaan mo muna akong mag explain..." he begged.
I shook my head.
"I've heard enough, Knox." Sapilitan kong kinuha ang kamay nya sa kamay ko.
"A-Austine..." he achingly called my name. "P-pwede bang kahit ngayon lang pakinggan mo ako? Parang-awa mo na. H-hindi ko na kaya..." he broke down. He kneeled in front of me and begged me to listen to him.
"Mawala na ang lahat wag lang ikaw, Austine.
K-kakayanin ko ang lahat-lahat basta wag mo lang akong iwan.
Kakayanin kong magpaalila sakanila as long as you remained unharm.
I can take hundreds of slashing as long as you remained unbleed.
K-kakayanin ko ang lahat lahat dahil alam kong nasa tabi pa rin kita after all those painful experiences . ..
...mahirap. Nahihirapan na akong magpanggap.
Nahihirapan na ako sa lahat ng bagay. Hirap na hirap na ako.
Pero, sa tuwing nakikita kita—nasa tabi kita I feel a sense of peace, the kind of feeling na pakiramdam ko walang kamay na nakapulupot sa leeg ko.
It was so peaceful to the point na nakakatakot. " He finally confesses.
Isang hikbi ang kumawala sa bibig ko at nanghihinang humakbang papalayo. But each step my heart felt heavier kaya mas pinili ko nalang tumigil.
"Kaya ba mas pinili mong maging duwag?" I chuckled but it only came out croaked.
"Oo." Pag-amin nya. "I kept pretending like I didn't care, because caring meant vulnerability. I can't afford to be weak." Mahina nyang saad.
Matunog anong ngumisi, magsasalita na sana ako ng boses sya ulit.
"I can't be weak because I can't protect you if that happens.
I've been a prisoner dahil sa kasalanan ng tatay natin.
I wanted you since the first day you threw those rocks at me.
I wanted me since the very first day you smiled at me.
I wanted you for as long as I can remember.
I fucking wanted you every seconds of my life. " He uttered weakly.
Nanlaki ang mata ko. Nagugulohan syang tinignan.
"W-what do you mean?"
He looked up, met my eyes and smiled. A smile that didn't reach his eyes, and just then I noticed the suffering he'd endured. The pain that often goes unnoticed because of his cold and unreadable eyes.
"I never liked Zyran..." His voice cracked-barely louder than the rain still echoing in the distance. "Not once. Not even for a second. And I never... never had feelings for him."
I blinked. My breath caught in my throat as he took a shaky step forward.
"When you misunderstood that I had feelings for him, I used that as a means to push you away-to hurt you. Dahil, alam kong mas masasaktan ka sa mga malalaman mo pagkasama mo ako. Pag pinili mo ako."
He paused, pain flickering behind his eyes like a dying flame trying to survive the harsh wind. With his trembling hands-fingers ice cold from fear, from the rain, from regret -he cupped my face
"When I woke up and found out that you were gone, I panicked..."mas lalong nanginig ang kanyang kamay.
"Nag panic ako..." his voice broke completely.
"...Nagmakaawa ako kina Rayne at Rafael o kahit sino mang malapit sayo.
I begged them to just know where you were.
Kahit na anong paraan... kahit masaktan ulit.
.. I just needed to see you. P-pero wala akong ibang magawa kundi ang hintayin ka dahil wala akong kakayahang sundan ka sa ibang bansa. "
He looked at me then-eyes swollen with everything he'd never said.
"I thought pushing you away would protect you from the mess I was. But all I did was ruin the only thing that ever felt like home."
"...but he made me do it. He fucking force me to stay away from you." He said regretfully.
I was about to open my mouth when Memere's voice rang. Nanglalaki ang mata nya habang nakatingin saaming dalawa ni Knox.
"Ito na nga ba ang sinasabi ko eh. Nagkamali nanaman silang dalawa."